Miyerkules, Agosto 3, 2011

"Isulong ang Breastfeeding, Tama Sapat at Ekslusibo"

Breastfeeding..breastfeeding..breastfeeding..!! Ano nga ba ang breastfeeding na ito? Ano nga ba ang kahalagahan at mabuting naidudulot ang breastfeeding na ito sa mga sanggol? Mabuti kaya ang maidudulot ng breastfeeding na ito sa mga bata? Bakit kaya may mga batang kulang ang timbang? Bakit kaya may mga batang payat at mataba?
Ang breastfeeding ay mahalaga sa mga sanggol. Mas mainam ang gatas ng ina kaysa sa mga powderd milk ngayon. Mas maraming nutrisyong makukuha sa gatas ng ina kaysa sa powderd milk. Kaya may mga batang kulang sa timbang dahil hindi sapat ang iniinum nilang gatas sa kanilang ina kaya nagiging sakitin din sila. Ito ngayon ang isinusulong ng aming paaralan."Ang gatas ng aso ay para sa aso lang at ang gatas ng ina ay para sa sanggol lamang!!!!"ika nga. Isulong ang breastfeeding dahil itoy tama sapat at ekslusibo pa!. Hindi na kailangan ng pera dahil libre ito. Libre na,masustansya pa! Kaya mga nanay san pa kayo? Hindi natin kailangan ng maraming pera para maging malusog ang inyong mga baby. Kaya nanay imbes na powderd milk,mas mabuting ang gatas nalang ninyo!!! Isulong ang breastfeeding!!!!!

1 komento: